Hindi na napigilan ni Sanya Lopez ang maging emosyunal sa Pandesal Forum kunsaan nagpasalamat sa kanila ang mga organisasyon na tumutulong sa Filipina World War 2 comfort women--ang Gabriela, Lila Pilipinas, at Malaya Lolas.
Sa pagharap nina Sanya at ng "Pulang Araw" co-star niyang si Ashley Ortega, napaluha ang gumaganap na Teresita Borromeo sa nabanggit na Kapuso series nang alalahanin ang naging pakikipagkuwentuhan niya sa mga aktuwal na Filipina comfort women.
Ang terminong comfort women ay ang tawag ng mga sundalong Hapon sa mga kababaihang binihag at pinagsamantalahan nila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa bawat bansang sinakop noon ng Imperial Japan ay may comfort women na igina-garrison at nakatikim ng pagmamalupit ng mga sundalong Hapones.
Kabilang sa mga nasakop noon ng Japanese Imperial Army ay ang Pilipinas, China, Korea, Taiwan, Indonesia, Malaysia, Burma, East Timor, at New Guinea.
Aktibong nagdedemanda naman ngayon ng hustisya at kumpensasyon mula sa kasalukuyang bansang Hapon ay ang mga nabubuhay pang comfort women sa Pilipinas at South Korea.
#comfortwomen #pulangaraw #sanyalopez
Hosts: Noel Ferrer, Jerry Olea, & Gorgy Rula
Executive Producer: Karen AP Caliwara
Video & Editing: Rommel Llanes
Music: "Night Shifter" by Odonis Odonis
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Watch more videos at https://www.pep.ph/videos
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalertsViber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts